^

Probinsiya

3-anyos patay sa torture ng nanay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 3-anyos na batang lalaki matapos itong mapatay sa torture ng sariling ina sa loob ng ilang araw sa bayan ng Tukuran, Zamboanga del Sur, ayon sa ulat kahapon.

Tinukoy lamang ang biktima sa palayaw na Boy Serenio na may palatandaang pinahirapan dahil tadtad ng mga pasa at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nahaharap naman sa kasong parricide ang suspek na si Claire Rose Anne Serenio, 27, ng nasabing bayan.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Thomas Abellar, kamakalawa ng umaga ay nagreklamo sa pulisya ang ama na si Geronimo Serenio matapos mabatid sa kanyang 5-anyos na anak na pinagpapalo rin ng kaniyang ina.

Nabatid sa nakalipas na dalawang araw ay pinaluluhod umano ito sa asin, binubugbog, isinisilid sa  nakabiting sako ang kaniyang bunsong kapatid hanggang sa hindi na ito gumising na ang ibig sabihin ay patay na.

Nabatid na ang mag-asawa ay hiwalay na sa isa’t isa at ang nasabing mister ang nag-aaruga sa mga bata kung saan sinundo ng kaniyang misis sa kanilang tahanan may ilang araw na ang nakalipas.

Pumayag naman ang nasabing mister sa pag-aakalang aalagaan ng kaniyang dating misis ang kaniyang dalawang anak pero hindi niya sukat akalain na hahantong sa bangungot ang lahat.

Sinabi pa ng opisyal na nagsinungaling ang suspek ng ireport nito sa pulisya na namatay sa sagasa ng bus ang bata pero nang alamin ang blotter sa pulisya sa nasabing lugar ay wala namang naitalang sakuna.

vuukle comment

BOY SERENIO

CLAIRE ROSE ANNE SERENIO

GERONIMO SERENIO

KALUNUS

NABATID

NAHAHARAP

PUMAYAG

SENIOR SUPT

SINABI

THOMAS ABELLAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with