Sanggol binigti ng tatay

CAVITE, Philippines  â€“ Pinaniniwalaang hindi nakayanan ang matin­ding problema sa pamilya at kahirapan sa buhay kaya nagawang bigtihin ang tatlong buwang gulang na baybi ng kanyang tatay sa Barangay San Luis 2, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang sanggol na si Lean Egarta habang nasakote naman ang suspek na si Antoniño Egarta, 27, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa pagsisiyasat ni PO1 Ellaine Magsino, iniwan ng inang si Arlene ang sanggol sa pangangalaga ng kanyang mister dahil sa mamasukang labandera sa kapitbahay. 

Gayon pa man, pagbalik ni Arlene sa kanilang tahanan ay nangingitim na ang kanyang baybi na nakabulagta sa sahig at  sinasabing binigti ng suspek na animo’y sinapian ng masamang espiritu.

Mabilis na humingi ng tulong ang ina ng biktima kung saan naaresto ang suspek sa bahay ng kanyang ninong sa Barangay Bautista. Inamin naman ng suspek ang krimen dahil sa pagburyon dulot ng kahirapan sa buhay at kawalan ng trabaho.

Show comments