Negosyante nilikida

BULACAN, Philippines – Pinaniniwalaang away-negosyo ang isa sa motibo kaya niratrat at napatay ang 41-anyos na negosyante ng tatlong kalalakihan sa bisinidad ng kanyang bahay sa Barangay Lias sa bayan ng Marilao, Bulacan kahapon ng umaga.

Walong tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Christopher Gonzales habang tumakas naman ang tatlong kalalakihan sakay ng itim na kotse.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rodel Alcantara, nagmamando ang biktima sa negosyong tubig upang dalhin sa kanyang mga parukyano nang biglang lapitan at pagbabarilin.

Show comments