May-ari ng pension house, ginilitan
MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 83-anyos na may-ari ng pension house matapos itong pagtuluÂngang saksakin at gilitan ng tatlong ‘di-kilalang sibilyan sa kahabaan ng Hidalgo Street sa Bacolod City, Negros Occidental kamakaÂlawa.
Sa ulat ni P/Senior Supt. Edgardo Ordaniel na naipaabot sa Camp Crame, bandang alas- 3 ng madaÂling-araw ng isagawa ang pamamaslang sa matandang si Maria Karmen Galo sa loob ng palikuran ng kanyang Karmen Pension House.
Nakasandal sa dingding ng palikuran ang biktimang tinadtad ng saksak saka ginilitan nang madiskubre ng kanyang anak na si Antonio Galo at pension house checker na si Jonalyn Diaz kinaumagahan.
Sa testimonya ng isang kawani ng pension house, narinig niyang nakikipagtalo ang matanda sa tatlong sibilyan kabilang ang dalawang babae noong Linggo ng umaga kung saan bigla na lamang nawala ilang oras bago nadiskubre ang krimen.
Tuliro naman ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek dahil hindi itinatala ang mga pangalan sa logbook ng pension house.
Gayon pa man, hindi tinangay ng mga suspek ang ilang alahas na sout ng matanda at malaking halaga na nasa bulsa nito.
- Latest