Private school nasunog

SAN PEDRO, Laguna, Philippines - Aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos masunog ang isang private school sa17th street, Phase 6, Pacita Complex 1 sa Barangay San Vicente sa bayan ng San Pedro noong Lunes ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Pascual Muñoz Jr., Laguna PNP director,  nasunog ang Casa Del Niño Montessori Elementary School na pagmamay-ari ng pamilya Acierto. Bandang alas-9 ng gabi ng mapabalitang nasusunog ang 2-storey building kung saan nakalagak ang computer rooms gym, chapel at classrooms. Wala namang nasugatan sa naganap na sunog kung saan naapula bandang alas-9:40 ng gabi habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments