QUEZON, Philippines - Hindi na umaÂbot ng buhay sa ospital ang isang pulis habang limang iba pa ang malubhang nasugatan matapos na magkarambola ang apat na sasakyan sa Maharlika Highway sa Barangay Lagalag sa bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng hapon. Nagtamo ng grabeng sugat sa ulo si SPO2 Isagani Cantimbuhan ng Dasmariñas City PNP habang ginagamot naman sa Peter Paul Hospital ang mga sugatang sina SPO2 Rudy Miguel ng Dasmariñas PNP; Ricky Bores Villanueva, Jhay-en Capina, 5; Kim Aika Capina, 3; at si Alma Salvago, 36, pawang nakatira sa Barangay Quipt, Tiaong,Quezon.
Ayon kay PO2 Francisco Almazan Jr, nawalan ng kontrol ang Isuzu van (XJN-125) ni Carlito Bucod sa kahabaan ng highway kaya bumangga sa pampasaherong jeepney ni Richard Flores kung saan nadamay ang Toyota Corolla (TCN-867) ng dalawang pulis at bumangga naman sa traysikel ang apat na biktima.