Misis utas, mag-ama grabe sa trak

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Nasawi ang 29-anyos na misis habang sugatan naman ang kanyang mag-ama matapos mahagip ng cargo truck ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Makilala, North Cotabato kahapon. Di na umabot

nang buhay sa ospital si Janith Castro habang sugatan naman ang mag-amang sina Ruben Castro, 34; at Mica Castro, 5, pawang nakatira sa  Barangay Luayon sa nasabing bayan. Ayon sa pulisya, nasagi ng truck ni Esperidion Niala ang motorsiklo ng mga  biktima nang

bigla itong kumaliwa sa highway. Dito na tumilapon ang mag-asawa at anak na babae kung saan nabagok ang ulo ng misis kaya nasawi. Pormal naman kakasuhan ang driver ng trak habang nakakulong.

 

Show comments