Biyudo grinipuhan ng dalaga

CAMARINES NORTE, Philippines — Maagap si kamatayan sa matandang biyudo na sinasabing nangutya sa isang GRO sa videoke bar matapos itong saksakin ng 24-anyos na babae habang natutulog sa kanyang bahay sa Purok 2, Barangay Quinapaguian sa bayan ng

Mercedes, Camarines Norte noong Biyernes.  Napuruhan sa tiyan at namatay habang ginagamot sa ospital si Romeo Zamudio, 54, habang sumuko naman kay  P/Senior Insp. Rogielyn Calandria  sa tulong ni Barangay Chairman Armano Aragon ang suspek na si  Cristina

Tubise ng Purok 1 sa nasabing barangay.  Nabatid na kinantiyawan ng biktima ang suspek na may iba na namang lalaki sa loob ng videoke bar kaya napikon ito matapos mapahiya sa ilang customer.  Natiyempuhan ng suspek na natutulog ang biktima saka isinagawa ang

pamamaslang.

 

Show comments