MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 14-anyos na high school student habang sugatan naman ang kaklase nito matapos na masalpok ng bus sa pagtatapos ng kanilang field trip sa Camp Mateo Capinpin sa bayan ng Tanay, Rizal noong BiyerneÂs ng hapon.
Idineklarang patay sa Capitol Medical Center ang biktimang si Rio Bianca Ramirez habang ginagamot naman si Pamela Enriquez, 15, kapwa estudyante ng Holy Spirit Academy Malolos (HSAM).
Samantala, kalaboso naman ang driver ng bus na si Carlos Ruelan Villanueva, 63.
Lumilitaw na kumukuha ng litrato ang biktima sa kanyang mga kaklase sa field trip nang masalpok ng bus na sinasabing nawalan ng preno.
Nabatid na bumaba sa bus ang driver para lagyan ng tubig ang radiator suÂbalit sa hindi inaasahang pangyayari ay bumigay ang preno.
Nakatakda namang kaÂsuhan ng mga magulang ng biktima ang may-ari ng Outbound Tours na nag-organisa ng field trip at ang mga opisyal ng HSAM.
Sinikap naman ng mga mamamahayag na kontakin ang HSAM para makapagbigay ng kanilang panig subalit hindi makontak. The Phil. Star News Sevice