3 dakma sa gun ban

BULACAN , Philippines - Tatlong kalalakihan na sinasabing nakum­piskahan ng baril at shabu ang inaresto ng pulisya sa checkpoint sa magkahiwalay na lugar sa Bulacan kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina Dan Joseph Ditan, 24, ng Villa Segunda Homes, Brgy. Pantok, Meycauayan City; Jeus Punzal, 21; at si Nezziah Corea, kapwa nakatira sa Brgy. Matictic, Norzagaray, Bulacan. Base sa police report, si Ditan ay nakumpiskahan ng paltik na baril sa inilatag na checkpoint sa Barangay Pantok, Meycauayan City Samantala, sina Punzal at Corea ay nasamsaman ng dalawang sachet ng shabu sa checkpoint sa Barangay Graceville, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Show comments