Negosyante inutas sa sabungan

BULACAN, Philippines – Nabalot ng tensyon ang sabungan matapos ratratin at mapatay ang 56-anyos na negos­yante ng di-kilalang lalaki kamakalawa ng hapon sa Barangay San Juan sa bayan ng Balagtas, Bulacan.Tatlong tama ng bala ng cal .45 pistol ng baril ang tumapos

sa buhay ni Rolando Estrella ng A & V Subdivision sa Barangay Panginay sa nasabing bayan. Sa ulat ni SP04 Roberto Santos, nasa loob ng Balagtas Cockpit Arena ang biktima nang lapitan sa likuran at pagbabarilin ng gunman.Tiyempuhan ng gunman na makihalubili sa

nagkakagulung sabungero matapos umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments