Sundalo dedo sa ambush

MANILA, Philippines - Napaslang ang 43-anyos na sundalong miyembro ng Military Intelligence Battalion habang sugatan naman ang kasama nitong informer matapos na tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa kahabaan ng highway sa Barangay Magosilum sa

bayan ng Cantilan, Surigao del Sur kamakalawa. Napuruhan sa ulo ang biktimang si S/Sgt. Gilbert Sionzon habang naisugod naman sa ospital ang sugatang si Ampol Daging, 31. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa

patungong Brgy. Union, Madrid nang ratratin pagsapit sa nasabing barangay.

Show comments