Bus vs bus: 1 dedo, 20 sugatan

CAMARINES NORTE, Philippines - Isa ang iniulat na nasawi habang 20 naman ang sugatan makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang likurang bahagi ng isa pang bus sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Palong, Libmanan sa Camarines Sur kamakalawa

ng umaga. Kinilala ang nasawi na si Alfredo Baesa, 46, ng Baao, Camarines Sur habang naisugod naman sa ospital ang mga sugatang pasahero. Base sa police report, pansamantalang tumigil ang Isarog Bus sa gilid ng highway para magbaba ng pasahero pero sinalpok ng

Alps Bus (TYZ413) na minamaneho ni Felix Balila Sr.

 

Show comments