Bike vs kotse: 2 todas

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa likuran ng kotse sa kahabaan ng highway sa  hangganan ng Santiago City at bayan ng Cordon, Isabela kamakalawa.
 Kinilala ng pulisya ang mga namatay na sina Gerardo Dollente at Dexter Gabriel na kapwa nakatira sa Barangay Caquilingan sa nabanggit na bayan. Ayon sa mga saksi, sumalpok ang motorsiklo na minamaneho ni Dollente sa likuran ng kotse nang bigla itong magmenor ng takbo. Gayon pa man, tinakasan ng driver ng kotse ang mga bumulagtang biktima sa kalsada.
 Namatay ang mga biktima sa pagamutan ilang oras ang nakalipas.

Show comments