13-anyos ni-rape, ginilitan ng driver
CAMARINES NORTE, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 13-anyos na batang babae matapos itong halayin ay sinaksak at ginilitan ng traysikel driver na sinasabing lango sa bawal na droga sa bahagi ng Barangay San Juan Bautista sa bayan ng Goa, Camarines Sur kamakalawa.
Natagpuan ang duÂguang katawan ni Princess Beguia sa madamong lugar sa nabanggit na barangay habang kalaboso matapos madakma ng pulisya ang suspek na si Albert Romero, 40, may asawa, nakatira sa nasabi ring barangay at pinagkakatiwalaan ng pamilya Beguia sa paghahatid sa biktima sa eskuwelahan.
Malaki naman ang hinala ng mga kaanak ng biktima na gumagamit ng bawal na gamot ang suspek kaya nagawa ang brutal na krimen sa bata.
Batay sa post-mortem examination ng NBI-Bicol, positibong hinalay ang biktima bago pinatay.
- Latest