BATANGAS, Philippines – Sa kabila ng pinaiiral na Comelec gun ban, napaslang ang 56-anyos na retiradong bombero na naging negosyante matapos ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa bayan ng Sto.Tomas, Batangas kahapon ng umaga. Apat na bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni ex-FO3 Mario Suayan ng San Pablo City, Laguna at dating naka-assign sa Sto. Tomas Batangas fire station. Si Suayan ay may negosyong refilling ng fire extinguisher na nag-ooperate sa Batangas, Laguna at Quezon. Sa police report na nakarating kay P/Supt Barnard Dasugo, nagdya-jogging ang biktima sa bahagi ng Barangay San Miguel nang lapitan at pagbabarilin ng tandem bandang alas-6:30 ng umaga.