LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Bumagsak sa kamay ng militar at pulisya ang itinuturing na amasonang mataas na opisyal ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon sa Barangay San Roque, Iriga City sa Camarines Sur noong Lunes ng gabi.
Bandang alas- 8:30 ng gabi ng masakote ng tropa ng Army’s 902nd Infantry Brigade ni Col. Richard Lagrana at lokal na pulisya ang suspek na si Nancy “Ka Nads/Sads†Ortega sa pinagtataguan nito sa nabanggit na barangay.
Si Ortega, 38, ay itinuturing na overall commander ng NPA sa Camarines Norte ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte sa kasong multiple murder.
Ayon naman kay Lagrana, si Ortega ang namuno sa pag-atake sa mga himpilan ng pulisya at detachment ng militar sa CamNorte kabilang na ang kampo ng military sa Barangay Maot sa bayan ng Labo, Camarines Sur kung saan isang sibilyan at apat na sundalo ng Army Peace and Development Team ang napatay noong Abril 29, 2012. Ed Casulla, Francis Elevado at Joy Cantos