^

Probinsiya

Amasonang opisyal ng NPA, arestado

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Bumagsak sa kamay ng militar at pulisya ang itinuturing na amasonang mataas na opisyal ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon  sa Barangay San Roque, Iriga City sa Camarines Sur noong Lunes ng gabi.

Bandang alas- 8:30 ng gabi ng masakote ng tropa ng Army’s 902nd Infantry Brigade ni Col. Richard Lagrana at lokal na pulisya ang suspek na si Nancy “Ka Nads/Sads” Ortega sa pinagtataguan nito sa nabanggit na barangay.

Si Ortega, 38, ay itinuturing na overall commander ng NPA sa Camarines Norte ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte sa kasong multiple murder.

Ayon naman kay Lagrana, si Ortega ang namuno sa pag-atake sa mga himpilan ng pulisya at detachment ng militar sa CamNorte kabilang na ang kampo ng military sa Barangay Maot sa bayan ng Labo, Camarines Sur kung saan isang sibilyan at apat na sundalo ng Army Peace and Development Team ang napatay noong Abril 29, 2012. Ed Casulla, Francis Elevado at Joy Cantos

ARMY PEACE AND DEVELOPMENT TEAM

BARANGAY MAOT

BARANGAY SAN ROQUE

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

ED CASULLA

FRANCIS ELEVADO

INFANTRY BRIGADE

IRIGA CITY

JOY CANTOS

KA NADS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with