BULACAN, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 18-anyos na lalaki matapos na banggain nito ang kasalubong na pampasaherong bus habang nagpapraktis magmotorsiklo sa kahabaan ng Blas Ople Road sa Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan kahapon ng umaga. Halos madurog ang bao ng ulo ng biktimang si Janrey Villa, stay-in worker sa nabanggit na barangay habang sumuko naman ang driÂver ng pampasaherong bus na si Julius Ramos ng Barangay Sto. Niño,Hagonoy, Bulacan. Base sa ulat ni P02 Rommel Legirin, palihim na kinuha ng biktima ang motorsiklo ng kanyang amo at saka nagpraktis. Dito nakasalubong ng biktima ang First North Luzon Transit Bus (TXS 439) na imbes na huminto ay pinaharurot pa ang motorsiklo kaya sumalisi si kamatayan.