Trader nilooban, inutas ng akyat-bahay

OLONGAPO CITY, Philippines  â€“ Brutal na kamatayan ang sinapit ng 54-anyos na negosyanteng babae matapos pagnakawan ay pinagtulungan  pang saksakin ng tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang Akyat-Bahay Gang sa Barangay Lower Kalakhan, Olongapo City noong Sabado ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Melva Robertson ng Indiana Street sa nabanggit na barangay at sinasabing pinsan nina Olongapo City Mayor James “Bong” Gordon Jr. at ex-Senator Dick Gordon.

Samantala, tumanggi naman si P/Senior Insp.Vi­cente Gabarda na isiwalat ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek kabilang na ang dalawang menor-de-edad habang sumasailalim sa tactical interrogation.

Ayon sa ilang barangay tanod, ang mga suspek ay huling namataang umaaligid sa bahay ng biktima bago madiskubre ang krimen.

Base sa ulat ng pulisya, bandang alauna ng madaling-araw nang matagpuang patay ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto sa ikalawang palapag.

Nagkalat din ang mga gamit kung saan nawawala ang mahahalagang kagamitan ng mag-asawa kabilang ang dalawang pistol magazine, dalawang handheld radio, isang box ng live ammunition para sa cal. 45 pistol, dalawang celfone, at wallet ng biktima.

Nagawang makapasok ng mga suspek matapos wasakin ang bintana ng bahay ng biktima kung saan narekober ng pulisya ang patalim na ginamit sa pamamaslang.

 

Show comments