Lolo itinumba

TIAONG,Quezon, Philippines  â€” Binaril hanggang sa mapatay ang isang 53 anyos na lolo nang kaalitan nitong kapitbahay habang ang biktima ay nakaupo sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Lusacan  ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PSupt. Laudemer Llaneta, hepe ng pulisya  dito ang biktima na si Policarpio Musico samantalang tugis na ng pulisya ang suspek na si Michael Colarina, 33.

Ayon kay PO2 Francisco Almazan, dakong alas-7:15 ng gabi habang nakaupo sa salas ng kanyang bahay ang biktima nang pasukin ito ng suspek at pinagbabaril ng hindi pa tukoy na kalibre ng baril.

Bago nalagutan ng hininga ang biktima ay nabanggit pa nito sa kanyang mga kaanak na ang suspek ang bumaril sa kanya na matagal na niyang kaalitan.

Show comments