Nawalan ng trabaho, nagbigti

QUEZON, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 56-anyos na mister na sinasabing may matinding problema sa pananalapi makaraang itong magbigti sa likuran ng kanilang bahay sa Barangay Buliran sa bayan ng San Antonio, Quezon kamakalawa ng hapon. Bandang alas-3 ng hapon nang matagpuan ng kanyang misis ang bangkay ng biktimang si Ponciano Baylon na nakabitin sa puno ng santol. Ayon sa pulisya, matin­ding depresyon sanhi ng pagkawala ng trabaho  kaya nagdesisyong mag-suicide.

 

Show comments