^

Probinsiya

Kumander ng NPA sumuko

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) na kumikilos sa Northern Luzon ang sumuko sa mga awtoridad sa lalawigan ng Apayao, ayon sa ulat kahapon.

 Kinilala  ni Sr. Supt. Albertlito Garcia, Director ng Apayao  Police, ang sumuko na si si Peter Sawit Piagan, pinuno ng communist Northeast Luzon Committee ng Kilusang Region-Hilagang Silangan Luzon front na kumikilos sa mga lalawigan ng Cagayan at Apayao.

Si Piagan na mas kilala bilang Ka Pedro, Piagan, Renren at Ka Petra sa loob ng kilusan ay boluntaryo umanong sumuko sa mga awtoridad sa tulong na rin ng pinagsanib na pu­wersa ng pulisya at militar sa mismong Barangay nito sa Marag Valley ng Luna, Apayao.

 Batay sa talaan ng pulisya, si Piagan ay nasa no. 4 sa Order of Battle ng Cagayan Valley Regional Police Office nitong 2012 simula nang pumasok sa kilusan noong 1980’s.

Ang pagsuko ni Piagan ay kasunod lamang ng pagsuko naman ni Connie Santiago Valera, 29, alias Ka James/Yasser, ang lider ng NPA na kumikilos naman sa lalawigan ng Abra at no.5 sa Order of Battle ng Cordillera Police Office.

ALBERTLITO GARCIA

APAYAO

CAGAYAN VALLEY REGIONAL POLICE OFFICE

CONNIE SANTIAGO VALERA

CORDILLERA POLICE OFFICE

KA JAMES

KA PEDRO

KA PETRA

KILUSANG REGION-HILAGANG SILANGAN LUZON

ORDER OF BATTLE

PIAGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with