BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Animo’y lechong baboy ang 69-anyos na lolo na natusta ng buhay matapos lamunin ng apoy sa kanyang taniman sa bayan ng Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya kamakalawa ng umaÂga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Erlindo Solis, riteradong guro at nakatira sa Barangay Domang sa nasabing bayan. Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Raland Maejan, tinangkang apulahin ng biktima ang gumagapang na apoy mula sa katabing lote upang hindi madamay ang kanyang pananim nang bigla itong mawalan ng malay dahil sa kapal ng usok at init. Agad na humingi ng tulong ang ilang residente para saklolohan ang biktima subalit biglang naglaho ito dahil sa kapal ng usok kung saan nang maapula ang apoy ay natagpuan na lamang ang bangkay nito na tustado.