MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng batas ang notoryus na miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf na sangkot sa limang kaso ng kidnap-for-ransom makaraang makorÂner ng mga operatiba ng militar at pulisya sa Isabela City, Basilan kamakalawa.
Isinailalim na sa tactical interrogation ang suspek na si Muin Hamja na guÂmagamit ng mga alyas Abu Kudri, Sudjarapula, Sudud Ivo Makiring at Alyas Usman.
Si Hamja na sinasabing may patong sa ulong P.6 milyon ay naaresto sa isinagawang operasyon sa Barangay Kumalarang bandang alas-2:48 ng madaÂling-araw noong Huwebes. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Isabela Regional Trial Court Branch 9 sa mga kasong kriminal kaugnay ng kidnapping at serious illegal detention.
Inilipat ang suspek sa kustodya ng police regional office 9 sa Zamboanga City.