^

Probinsiya

Abu na may P.6-M reward, tiklo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng batas ang notoryus na miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf na sangkot sa limang kaso ng kidnap-for-ransom  makaraang makor­ner ng mga operatiba ng militar at pulisya sa Isabela City, Basilan kamakalawa.

 Isinailalim na sa tactical interrogation ang suspek na si Muin Hamja na gu­magamit ng mga alyas Abu Kudri, Sudjarapula, Sudud Ivo Makiring at Alyas Usman.

Si Hamja na sinasabing may patong sa ulong P.6 milyon ay naaresto sa isinagawang operasyon sa Barangay Kumalarang bandang alas-2:48 ng mada­ling-araw noong Huwebes. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Isabela Regional Trial Court Branch 9 sa mga kasong kriminal kaugnay ng kidnapping at serious illegal detention. 

Inilipat ang suspek sa kustodya ng police regional office 9 sa Zamboanga City.

vuukle comment

ABU KUDRI

ABU SAYYAF

ALYAS USMAN

BARANGAY KUMALARANG

ISABELA CITY

ISABELA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MUIN HAMJA

SI HAMJA

SUDUD IVO MAKIRING

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with