Bike sinalpok: Ama utas, anak grabe

NUEVA ECIJA, Philippines – Patay ang 44-anyos na kalihim ng barangay habang sugatan naman ang kanyang anak makaraang mahagip ang kanyang motorsiklo ng sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Poblacion, Guimba, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Rolando Salum ng Brgy. Buasao sa bayan ng Sto. Domingo, Nueva Ecija habang naisugod naman sa Guimba District Hospital ang dalagang anak nitong si Roxan Salum, 20. Sa imbestigasyon, nabatid na pauwi na ang mag-amang lulan ng motorsiklo nang salpukin ng hindi pa batid na uri ng sasakyan. Sa lakas ng impact ay nabuwal sa lupa ang motorsiklo at kapwa nawalan ng ulirat ang mag-ama kaya hindi naplakahan ang sasakyan.

 

Show comments