2 ‘sinalvage’ sa palayan

BULACAN, Philippines – Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang may mga kasong kriminal ang biktima ng summary execution matapos itong itapon sa gitna ng palayan sa Barangay Bulac sa bayan ng Sta. Maria Bulacan kamakalawa. Kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawa na naka-itim na jacket, maong na pantalon, semi-kalbo, may tattoo na “Elmer” sa kaliwang hita at 5”6’ ang taas habang ang pa­ngalawa naman ay naka-asul na polo shirt, short pants, 5”4’ ang taas, at tatad ng tattoo ang katawan.  Ayon kay P02 Vincent Guinicaran, nakatali ng alambre ang mga kamay at paa ng dalawa kung saan nababalutan ng packaging tape ang mukha at may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. May posibilidad na pinatay ang dalawa sa ibang bayan bago itinapon sa nasabing barangay para lituhin ang mga imbestigador.

 

Show comments