Rapist arestado sa sabungan

NUEVA ECIJA, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng 44-anyos na trike driver na sinasbabing akusado sa kasong rape matapos arestuhin ng pulisya sa sabungan sa Barangay Malasin sa bayan ng Sto. Domingo, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Nelson Tribiana ng Regional Trial Court Branch 37, dinakma ang suspek na si Renato Macasakit ng Purok 1, Brgy. Malasin. Ayon kay P/Supt. Ricardo Villanueva, si Macasakit ay isinasangkot sa panggagahasa ng 18-anyos na dalaga sa kanilang lugar.

Show comments