ILAGAN CITY, Philippines – Walang nagawa ang isang mister na sagipin ang kanyang ka-live-in sa pagragasa ng malakas na agos ng tubig matapos niyang masaksihan ang pagkalunod nito sa Dipadian River sa paanan ng bundok Sierra Madre sa Barangay Didian sa liblib na bayan ng Palanan, Isabela kamakalawa.
 Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rose Villena ng Barangay Marikit sa naÂsabing bayan. 
Lumalabas sa imbestigasyon na tumawid ang biktima kasama ang ka-live-in nitong si Marvin Cabildo na hindi alintana ang malakas na agos tubig sa ilog dulot ng pag-ulan.
 Nabatid na walang pumapasadang sasakyan sa liblib na bayan bukod lamang sa kabayo at kalabaw kaya nasanay na ang magka-live-in na tumawid sa nasabing ilog.
 Natagpuan naman ang bangkay ng biktima kinabukasan sa nasabing ilog.