Sekyu nagbaril sa bibig

OLONGAPO CITY, Philippines – Posibleng problema sa pamilya ang isa sa motibo kaya nagpakamatay ang 22-anyos na security guard sa compound ng hotel sa Barangay Barreto, Olonggapo City kamakalawa ng umaga. Natagpuan sa damuhan ng Playa Papagayo Inn and Restaruant ang biktimang si Dino Piamonte ng SB and NB Security Agency. Sa ulat ni P/Senior Insp. Gil Domingo, hepe ng PCP 6, narekober ang suicide note ng biktima na nakasulat pa sa log book kung saan maging sa cell phone nito ay sinasabing naka-record ang sanhi ng pagpapakamatay.

Show comments