Bus vs kotse: 1 dedo, 9 grabe

QUEZON, Philippines - Isa ang patay habang siyam na iba pa ang malubhang nasugatan makaraang magbanggaan ang pampasaherong bus at kotse sa Maharlika Highway sa Barangay Llaig sa bayan ng Tiaong, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Basag ang bungo at namatay ang biktimang si Edwin Regio, 57, ng Barangay Cotta, Lucena City, Quezon. Naisugod naman sa Quezon Medical Center ang mga sugatang pasahero ng bus na sina Gina Pimentel ng Lucena City; Melandro Albina, Diomedes Riveros ng Marinduque; Ro­naldo Avior ng Sariaya; Maia Anna Avanxado ng Candelaria, Quezon; Lemuel Mendoza, Carla Dinglasan, Janet Gahico, at si Sherwin Mangarin ng San Pablo City, Laguna.

Ayon sa pulisya, bandang alas-8:30 ng gabi nang mag­salpukan patungo ang Nissan Frontier ( ZKF-257) ni Leonardo Abad at Jac Liner Bus (NYS-829) ni Leonardo Narbay na may biyaheng Lucena City.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nayupi ang unahang bahagi ng bus na ikinasawi ng isa nitong pasahero habang nasugatan naman ang driver ng kotse.

Show comments