^

Probinsiya

Police Sr. Inspector nagbaril sa sarili, kritikal

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Agaw buhay ngayon ang isang junior officer ng pulisya matapos itong magbaril sa sarili  na ikinasugat rin ng kaniyang misis sa Brgy. Pasobolong, Zamboanga City kamakalawa. Kinilala ang nasabing opisyal na si Sr. Inspector Armand Terrania, nakatalagang Deputy Station Commander sa  Divisoria Police Station 5 sa lungsod ng Zamboanga. Ang biktima ay kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa isang hospital sa lungsod bunga ng tinamo nitong isang tama ng bala sa ulo habang nadaplisan naman sa paa ang kaniyang misis. Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng umaga nitong Biyernes habang si Terrania at ang misis nitong isa ring pulis ay naghahanda na para pumasok sa kanilang duty sa himpilan. Niyaya umano ng biktima ang kaniyang misis na pumasok muna sila sa kanilang kuwarto kung saan niyakap nito ang kaniyang maybahay saka bigla na lamang nagbaril sa ulo na ikinagulantang ng ginang.Problema naman sa pamilya ang tinitingnan ng pulisya sa pagtatangka ng biktima na kitilin ang kaniyang sariling buhay.

vuukle comment

AGAW

BATAY

BIYERNES

BRGY

CAMP CRAME

DEPUTY STATION COMMANDER

DIVISORIA POLICE STATION

KINILALA

SR. INSPECTOR ARMAND TERRANIA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with