^

Probinsiya

10 anyos nasagip, 3 kidnapper timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matagumpay na nailigtas ng pinagsanib na elemento ng PNP-Anti Kidnapping Task Group (PNP-AKG) at ng lokal na pulisya ang isang 10 anyos na batang lalaki kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong kidnapper sa rescue operation sa Tayabas City, Quezon nitong Sabado ng madaling araw.

 Base sa ulat ni Sr. Supt. Renato Gumban, Acting Director ng PNP-AKG, kinilala ni PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., ang nasagip na biktima na si Jhostine Carino, elementary pupil.  Ang bata ay dinukot ng mga armadong suspek sa Luisiana, Laguna noong Enero 10 ng taong ito.

 Arestado naman sa ope­rasyon matapos na makorner ng PNP-AKG at Tayabas City Police operatives ang  tatlong kidnapper na kinilalang sina Emerson Ocado, Rhoderick Abella at Bryan Abella. 

Sinabi ni Cerbo, bandang alas-2 ng madaling araw ng lusubin ng mga awtoridad ang hideout ng mga kidnapper sa Brgy. Ilayan Baguio sa lungsod ng Tayabas. 

 Una nang humingi ng P500,000 ransom demand ang mga kidnapper sa pamilya ni Carino na naibaba sa P300,000 at nagkatawaran pa kung saan ay nagbayad ang mga magulang ng biktima na ang pinakahuling ibinigay ay P65,000 sa mga kidnapper pero hindi pa pinakawalan ang bata. 

Dito na dumulog ang pamilya Carino sa PNP-AKG at ikinasa ang operasyon laban sa grupo ng mga kidnappers na nagresulta sa pagkakaligtas sa bata at pagkakaaresto sa mga suspek.

ACTING DIRECTOR

ANTI KIDNAPPING TASK GROUP

BRYAN ABELLA

CARINO

EMERSON OCADO

GENEROSO CERBO JR.

ILAYAN BAGUIO

JHOSTINE CARINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with