BULACAN, Philippines – Basag ang bao ng ulo at nagkapisak-pisak ang katawan ng 30-anyos na mister matapos itong mahagip ng pampasaherong bus sa MacArthur Highway sa Barangay San Pablo sa Malolos City, Bulacan kahapon. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Lester Jay Tolentino ng Brgy. Sampaloc sa bayan ng San Rafael, Bulacan habang sumuko naman sa pulisya ang drayber bus na si June Galapon, 33, ng Barangay Sembrano, Gerona,Tarlac. Sa ulat ni P03 Percival Ramos, nag-overtake ang motorsiklo ng biktima sa Victory Liner Bus (CWB-708) ni Galapon subalit hindi nito napansin kaya nahagip at nakaladkad ng ilang metro ang layo. Pumailalim pa sa bus ang motorsiklo ng biktima kaya napisak ang katawan at motorsiklo nito.