Mag-asawa niratrat sa bahay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinagbabaril ng mga di-kilalang lalaki ang mag-asawang nag-uusap  sa kanilang bahay kung saan nasawi ang 59-anyos na mister sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Cabitan sa bayan ng Mandaon, Masbate kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Marcelino Rabino, magsasaka habang malubha naman ang misis nitong si Simeona Rabino, 59. Sa ulat ng pulisya, naghuhuntahan ang mag-sawa sa balkonahe ng kanilang tahanan nang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan kaagad na bumulagta ang mister. Pinaniniwalaang away sa lupaing pinag-aagawan ang isa sa motibo kaya niratrat ang mag-asawa.

 

Show comments