Sundalo, pulis kinidnap ng NPA

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang sundalo at pulis sa Sitio Ma­ngob, Barangay Imel­da sa bayan ng Laak, Compos­tela Valley noong Huwebes.

Kinilala ang mga binihag na sina Private First Class Jezreel Culango ng San Isidro, Davao del Norte at PO1 Ruel Pasion ng San Isidro PNP.

Sa ulat ni Major Jacob Thaddeus Obligado, commander ng Army’s 10th Civil Military Operations Batta­lion, patungo sa Barangay Mangloy si Culango nang harangin at bihagin ng mga rebelde pagsapit sa itinayong checkpoint sa nasabing sitio.

Nagkataon namang napadaan din sa lugar si  Pasion kaya binihag din ito ng mga armadong NPA kung saan dinala sa kabundukang bahagi ng Sitio Tugpahan.

Samantala, bumuo na ng Crisis Management Committee sa pamumuno ng mga lokal na opisyal para sa ligtas na pagpapalaya sa dalawang bihag.

Kasalukuyan ay wala pang natatanggap na demand ang AFP at PNP mula sa hanay ng mga rebeldeng dumukot sa dalawa.

 

Show comments