19-anyos inutas sa utang

TUGUEGARAO CITY , Philippines - Pinaniniwalaang hindi pagbabayad ng utang ang isa sa motibo kaya binaril at napatay ang 19-anyos na mangangalakal ng basura ng ‘di-kilalang gunman sa bahagi ng Barangay Juan sa bayan ng Solsona, Ilocos Norte noong Biyernes. Napuruhan sa ulo ng bala ang baril ang biktimang si Cristian Castillo ng bayan ng Banna. Ayon kay P/Senior Insp. Dexter Corpuz, hepe ng Solsona PNP, si Castillo na sinasabing naghahakop ng basura ay nilapitan at kinompronta ng di-kilalang lalaki bago pinutukan sa ulo.

 

Show comments