Lolo nalunod dahil sa baka

TUGUEGARAO CITY , Philippines  â€“ Nalunod at namatay ang 64-anyos na lolo matapos itong anurin ng malakas na agos ng tubig habang itinatawid nito ang alagang baka mula sa pastuhan sa Barangay Burayoc, Pagudpud, Ilocos Norte kamakalawa.  Kinilala ni P/Senior Insp. Roger Digmayo, hepe ng Pugudpud PNP ang biktima na si Placido Boromeo ng Barangay Baduang ng nasabing bayan. Nakuha rin ang bangkay ng lolo matapos humupa ang malakas na agos habang nakaligtas namang nakatawid sa kabilang ibayo ang baka. Sa tala ng pulisya, kahalintulad ng kaso ni Boromeo ng isang lolo rin sa bayan ng Penablanca, Cagayan na nalunod matapos mahulog sa sinasakyang kalabaw sa pagtawid sa ilog.

 

Show comments