CAVITE , Philippines - Pinaniniwalaang namatay sa lamig at gutom ang isang buwang gulang na sanggol na babae matapos mapabayaan ng kanyang ina sa Barangay Zone 4, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng umaga.
Bandang alas-7 ng umaga nang madiskubreng patay ang biktimang si Princess Barbo na sinasabing walang permanenteng tirahan ang pamilya.
Sa ulat ni PO2 Connie Susmerano, mismong ina na si Jennylyn Barbo ang nakadiskubre sa kanyang anak na patay dahil maputla at hindi na gumagalaw.
Nabatid din na ang pamilya Barbo ay natutulog lamang sa gilid ng mga establisamento. Cristina Timbang