Misis, tinodas ng ex live-in partner

CAVITE , Philippines – Patay ang isang 31 anyos na ginang matapos itong pagsasaksakin ng dating live-in partner nang tumangging makipagbalikan sa huli sa naganap na insidente sa Brgy. Mabuhay, Carmona ng lalawigang ito.Kinilala ng pulsiya ang biktima na si  Roschell Marana, 31 anyos residente  ng Governors Drive ng nasabing lugar. Ang suspek na mabilis namang nakatakas matapos ang ginawang krimen ay nakilalang si Elmer Panganiban, nasa hustong gulang, nakatira sa Candelaria, Quezon at kalive-in ng biktima. Batay sa imbestigasyon ni PO2 Marcelo Bersamina, may hawak ng kaso dakong ala-1:45 ng madaling araw ng maganap ang insidente, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek hinggil sa pagnanais ni Panganiban na makipagbalikan kay Marana. Gayunman, tumanggi umano ang biktima, dahilan upang magdilim ang paningin ng suspek at pinagsaksak nito ang biktima.

 

Show comments