Lolo tigok sa romansa ng pickup girl

LUCENA CITY, Philippines – Naging mitsa ng kamatayan ng isang 71 anyos na lolo ang pakikipagtalik nito sa isang pickup girl matapos itong atakihin sa puso sa sobrang kaligayahan sa Brgy. VI ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Godofredo Penamante, residente ng Calumpit St. Brgy. Market View ng naturang siyudad.

Ayon kina SPO1 Aldin Ranola at PO3 Nestor Lumang­las, dakong alas-6:30 ng gabi ay nagtungo ang biktima sa bahay ni Gina, 31 di tunay na pangalan sa Brgy. 2 at niyaya itong sumama sa motel kapalit ng halagang P500.

 Nagcheck-in umano ang dalawa sa Room 5 ng Mercados Lodge kung saan habang nasa kainitan ng kanilang pagtatalik ay inatake sa puso ang biktima hanggang sa hindi na ito makaalis sa ibabaw ng babae.

Dinala ni Gina sa Quezon Medical Center ang biktima subalit idineklara itong dead-on-arrival.

 

Show comments