^

Probinsiya

P3.6-M ari-arian naabo

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines  â€“ Tinatayang aabot sa P3.6 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang apat na silid-aralan ng Science Building ng Basud National High School Main Campus sa Brgy. Poblacion 1 sa bayan ng Basud, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni SFO2 Vener E. Tabaniag, nagsimula ang sunog bandang alas -11:50 ng gabi at naapula naman bandang alas-12:20 ng madaling-araw sa tulong ng ilang fire truck kabilang ang Chinese Volunteer Fire Brigade ni Doming Tang. Kasalukuyang nakikipag-ugnayan na ang pangulong PTA na si Bobot Madayag sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at kay Gov. Edgardo Tallado upang tulungan ang mga estudyante na mabigyan ng computer units. Kabilang sa nasunog ang 30 yunit ng computer sa computer room, opisina at mga dokumento habang patuloy naman ang imbestigasyon.

BASUD

BASUD NATIONAL HIGH SCHOOL MAIN CAMPUS

BOBOT MADAYAG

BRGY

CAMARINES NORTE

CHINESE VOLUNTEER FIRE BRIGADE

DOMING TANG

EDGARDO TALLADO

SCIENCE BUILDING

VENER E

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with