LUCENA CITY, Quezon, Philippines - Pormal nang nanungkulan kahapon bilang officer-in-charge ng Quezon PNP provincial office si P/Senior Supt. Dionardo Carlos kapalit ni P/Senior Supt. Valeriano de Leon na sinibak dahil sa Quezon incident.
Tanging mga hepe ng pulisya mula sa 39- bayan at dalawang lungsod lamang ang sumaksi sa turn-over of command dahil hindi pinayagan ang mga mamamahayag na pumasok sa conference room.
Nauna ng inilabas noong Martes ni PNP Chief Director Allan Purisima ang relief order ni de Leon sa gitna ng imbestigasyon kaugnay sa sinasabing rubout laban sa 13-katao na napaslang sa Barangay Tanauan, Atimonan, Quezon.
Umaasa naman ang mga mamamahayag sa Quezon na muling manunumbalik ang magandang relasyon sa pagitan ng dalawang organiÂsasyon na nagkaroon ng lamat sa panahon ni `P/Senior Supt. de Leon.
May walong buwan ding hindi nakakakuha ng sapat na impormasyon ang mga mamamahayag sa tanggapan ni de Leon kaugnay sa mga accomplishment nito.
Maging ang sinasabing rubout noong Linggo ng hapon ay halos mangalap ang mga mamamahayag ng tamang detalye.