NUEVA ECIJA, Philippines – Pinaniniwalaang love triangle ang isa sa motibo kaya binaril at napatay ang 25-anyos na binata ng kanyang karibal sa panliligaw sa isang dalaga sa Barangay San Antonio sa bayan ng Cuyapo, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Leo Espiritu, farm helper at nakatira sa nasabing barangay habang bineberipika pa ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis tumakas matapos ang pamamaril. Sa ulat ng pulisya, nabatid na naghihintay ang biktima sa pagdating ng ka-textmate sa waiting shed nang lapitan at barilin. Narekober sa crime scene ang cell phone ng biktima.