MANILA, Philippines - Upang mabigyang linaw ang naganap na shootout o rubout, bumuo na rin ang AFP Southern Luzon Command (AFP- SOLCOM) ng fact-finding-team upang imbestigahan ang tropa ng Army Special Forces na tumulong sa pulisya sa madugong ratratan sa hangganan ng Plaridel at Atimonan, Quezon na ikinasawi ng 13-katao noong Linggo ng hapon.
Ayon kay AFP-SOLCOM spokesman Col. Generoso Bolina, ipinag-utos na ng kanilang Commanding General na si Major Gen Alan Luga na masusing imbestigahan kung may nalabag sa law enforcement operations ang tropa ng mga sundalo.
Kabilang sa isinasalang sa imbestigasyon ay ang 25 sundalo sa pamumuno nina 1st Special Forces Battalion Lt. Col. Monico Abang at Capt. Erwin Macalinao ng 3rd Special Forces Company.
Sakaling mapatunaÂyan ang pagkakamali ng mga sundalong hiningan ng suporta ng pulisya sa checkpoint kung saan kabilang sa mga nasawi ay si P/Supt. Alfredo Consemino, group director ng police regional office (PRO) IV B, dalawa nitong escort at dalawa ring tauhan ng Philippine Air Force.
Una nang inihayag ng mga opisyal ng PAF na walang bad record sina 1st Lt Jimbean Justiniani at Staff Sgt. Armando Lescano.
“We will determine the extent of their liability,†ani Bolina kung saan kapag napatunayang guilty ang tropa nina Abang at Macalinao ay papatawan ng kaukulang parusa alinsunod sa Articles of War (AW) ng AFP.