^

Probinsiya

3-anyos patay sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maagang inagaw ni kamatayan ang 3-anyos na lalaki matapos masunog ang anim na kabahayan sa Brgy. Bulacao, Talisay City, Cebu kamakalawa ng gabi. Halos hindi na makilala ang bangkay ng biktimang si Mark Lester Tisoy na narekober ng mga bumbero sa loob ng  bahay. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-6 ng gabi nang mamataan ang biktima na kasama ng kaniyang kakambal habang naglalaro ng posporo sa loob ng kuwarto ng kanilang tiyahin na si Rosela Tisoy. Dito sumiklab ang apoy bunga ng paglalaro ng posporo ng biktima na mabilis na kumalat dahil may mga nakaimbak na thinner at iba pang kagamitan sa paggawa ng religious items na negosyo ng kaniyang mga magulang. Agad binalot ng apoy ang buong kabahayan kung saan gumapang  sa mga katabi nitong bahay. Nakulong ng apoy ang biktima habang naapula naman ang sunog matapos na rumensponde ang mga bumbero.

 

vuukle comment

BRGY

BULACAO

CAMP CRAME

CEBU

DITO

MAAGANG

MARK LESTER TISOY

NAKULONG

ROSELA TISOY

TALISAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with