Fact finding team binuo
MANILA, Philippines - Bumuo na kahapon ng fact finding team upang imbestigahan ang naganap na shootout na ikinasawi ng 13 kalalakihan kabilang na ang tatlong pulis at tatlong sundalo sa hangganan ng Plaridel at Atimonan sa Quezon noong Linggo ng hapon.
Sinabi ni PNP Chief Director Gen. Alan Purisima, ito’y upang mabigyang linaw ang insidente matapos na mapatay ang 13-katao kabilang na sina P/Supt. Alfredo Consemino, SPO1 Gruet Mantuano at si PO1 Jeffrey Valdez na pawang nakatalaga sa police regional office (PRO) IV A.
Napatay din si PAF S/Sgt. Armando Lescano habang ang dalawa pa na sina Victor Gonzales at Maximo Pelayo ay mga pekeng agent ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).
Kasabay nito, tiniyak ni Purisima na walang magaganap na whitewash sa imbestigasyon.
Ayon pa sa ulat, ang fact finding team ay pinamunuan ni P/Senior Supt. Federico Castro, deputy director ng Criminal Investigation and Detection Group.
Kabilang sa masusing sisilipin ay kung may naganap na paglabag sa naganap na shootout matapos makaraÂting sa PNP Headquarters na nakasibilyan ang nasugatang team leader na si P/Supt. Hansel Marantan, deputy ng Regional Intelligence Division.
Gayundin ang sinasaÂbing agawan sa teritoryo ng operasyon ng jueteng ang isa sa malalim na motibo kaya napatay ang 13 kalalakihan na sakay ng dalawang SUV kung saan ay may dalang P100 milyong cash na nakalagay sa ilang maleta.
Ito rin ang paniniwala ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na posibleng may kinalaman sa jueteng ang naganap na shootout dahil ilan sa mga biktimang napatay ay sinasabing operator at financier ng jueteng.
Samantala, lumilitaw naman sa inisyal na imbestigasyon na rehistrado ang 13 sa 14 baril na narekober at isa lamang ang loose firearms. Dagdag ulat ni Doris Franche-Borja
- Latest