Bus hulog sa tulay: 27 sugatan

MANILA, Philippines - Umaabot sa 27-katao ang iniulat na nasugatan makaraang mahulog ang pampasaherong bus mula sa tulay sa Poblacion Proper sa bayan ng Jamindan, Capiz, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., PNP director ng PRO 6, bumabagtas ang asul na Ceres Bus (UVS 254) mula sa  Iloilo City patungong Cubao, Quezon City nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver pagsapit sa kurbadang kalsada habang paakyat sa Agambulong Bridge. Bunga nito ay tuluy-tuloy na nahulog ang bus mula sa tulay kung saan 27 pasahero ang nasugatan kabilang ang 15 na nasa malubhang kalagayan. Agad namang sumaklolo ang mga residente sa pangu­nguna ni Chairman Benjie Barrientos ng Barangay Poblacion Proper at tinulungan ang mga pasahero na madala sa pinakamalapit na ospital sa bayan ng Mambusao, Capiz. Joy Cantos

 

Show comments