Tanod nilikida sa ambulansya
CAVITE , Philippines – Binaril at napatay ang 48-anyos na barangay tanod ng di-kilalang lalaki sa loob ng ambulansya sa Barangay Salitran 3, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Cresenciano Cambalisa ng Barangay Burol Main sa nasabing lungsod. Sa imbestigasyon ni PO2 George Fajardo, nakaupo ang biktima sa driver seat ng ambulansya (SJC 159) kung saan pansamantala nitong ipinarada sa bahagi ng Summerwind Village sa nasabing lugar nang lapitan at barilin ng gunman. Kaagad na ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente matapos madiskubre ng kasamahang si Ricardo Salasbar. Narekober sa crime scene ang cal. 45 pistol at isang basyo ng bala habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest